^

Bansa

Batas sa senior citizens body nilagdaan ng Pangulo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Batas sa senior citizens  body nilagdaan ng Pangulo
Nakasaad sa Repubic Act No. 11350 na mapapailalim sa Office of the President ang naturang komisyon na magkakaroon rin ng principal office sa National Capital Region at iba pang field offices.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na magbibigay-daan sa pagtatatag ng National Commission of Senior Citizens.

 Nakasaad sa Repubic Act No. 11350 na mapapailalim sa Office of the President ang naturang komisyon na magkakaroon rin ng principal office sa National Capital Region at iba pang field offices.

Layunin ng komisyon na ipatupad ang mga batas para sa senior citizens at bumuo ng mga patakaran para isulong ang kapakanan nila.

 Ang komisyon rin ang siyang kakatawan sa bansa sa international functions, fora, conferences at iba pang mga programa para sa senior citizens

 Ang magiging composition ng komisyon ay isang chairperson at 6 na commissioners na  nasa edad 60 pataas na kakatawan sa kinabibilangan nilang iba’t-ibang rehiyon sa bansa.

 Ang pangulo ng bansa ang siyang magtatalaga ng chairperson at commissioners habang ang commission naman ang magtatalaga ng isang executive director.

NATIONAL COMMISSION OF SENIOR CITIZENS

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with