^

Bansa

Pamamaril sa 3 opisyal sa Negros Oriental kinundena, inihambing sa 'Oplan Sauron'

James Relativo - Philstar.com
Pamamaril sa 3 opisyal sa Negros Oriental kinundena, inihambing sa 'Oplan Sauron'
Hindi naman naiwasan ng ilang grupo na ikumpara ang pamamaslang sa isinagawang "Oplan Sauron 1 at 2" ng gobyerno sa Negros Oriental noong Disyembre at Marso.
Wikimedia Commons/Mike Gonzalez

MANILA, Philippines — Nanawagan ng hustisya ang ilang grupo kaugnay ng diumano'y sunod-sunod na "extrajudicial killings" na dinanas ng isang barangay chairman at dalawang opisyales ng Department of Education sa Guihulngan City, Negros Oriental.

Ayon sa ulat ng GMA News, patay sa pamamaril ang magkapatid na sina Arthur Bayawa, principal ng Guihulngan Science High School, at Ardale Bayawa, Curriculum Implementation Division chief ng Guihulngan City Division makalipas ang hatinggabi Huwebes.

Agad naman itong sinundan ng pamamaril kay Romeo Alipan, kapitan ng Baranggay Buenavista, makalipas ang mahigit isang oras.

Nitong Martes, napatay naman ng dalawang 'di pa nakikilang gunmen ang human rights lawyer na si Anthony Trinidad sa parehong lungsod ng Guihulngan.

Ayon sa grupong Defend Negros # Stop the Attacks Network, taong 2018 pa nang simulang i-"red tag" si Trinidad, na kilalang humahawak ng mga kaso ng magsasaka simula pa noong 2008.

Negros: Killing fields?

Hindi naman naiwasan ng ilang grupo na ikumpara ang pamamaslang sa isinagawang "Oplan Sauron 1 at 2" ng gobyerno sa Negros Oriental noong Disyembre at Marso.

"The local official [Alipan] was killed by unidentified gunmen at almost the same wee hours when the Oplan [Sauron] was launched in the same barangay on December 27, 2018," dagdag ng Defend Negros # Stop the Attacks Network.

(Pinatay si Alipan sa parehong oras nang pagkasa ng Oplan Sauron sa parehong barangay noong ika-27 ng Disyembre 2018.)

Anim na pinaghihinalaang miyembro ng Special Partisan Unit ng New People's Army ang napatay dito, habang inaresto naman ang 24 pinagsususpetyahang NPA.

Nitong Marso naman, napatay ang 14 katao, na magsasaka ayon sa ilang human rights groups, sa ikalawang pagkasa ng Oplan Sauron sa Canlaon City, Majuyod at Sta. Catalina, Negros Oriental.

Una nang sinabi ng pamahalaan na lehitimong operasyon ito laban sa mga personalidad na kaugnay ng mga rebeldeng komunista.

"Negros is now fast turning into a killing field and this should be stopped immediately," sabi naman ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate sa hiwalay na pahayag.

(Nagiging killing fields na ang Negros at dapat na itong matigil).

Babala ni Zarate, pagala-gala na raw ang mga "death suqad" sa Guihulngan at iba pang bahagi ng Negros para puntiryahin ang mga walang kalaban-labang sibilyan, na paminsan-minsan iniuugnay sa mga rebelde.

"While we strongly demand justice for these innocent victims, we likewise strongly condemn the inutility of authorities in putting a stop to this utter madness," dagdag ng progresibong mambabatas.

(Bagama't nananawagan kami ng husisiya sa pagkamatay ng mga inosenteng biktima, kinukundena rin namin ang pagka-inutil ng mga otoridad na mapigil ang nasabing kabaliwan.)

Pagpatay sa mga pulis sa Negros

Nangyari ang mga pagpaslang matapos akuin ng Mt. Cansermon Command ng NPA ang pagkamatay ng apat na pulis sa Negros Oriental noong nakaraang linggo.

Sabi ni Dionisio Magbuelas, tagapagsalita ng Mt. Cansermon Command, plano raw kasi ng mga naturang pulis na muling magsagawa ng Synchronized Enhanced Management of Police Operations na kadikit ng Oplan Sauron.

Ayon kay PNP chief Oscar Albayalde, tukoy na nila ang anim na rebeldeng nasa likod nito, ngunit tumangging pangalanan sila.

Tinukoy naman ni Brig. Gen. Debold Sinas, police director ng Central Visayas, ang isang Victoriano Anadon sa mga kinasuhan kaugnay nito.

EXTRAJUDICIAL KILLINGS

NEGROS ORIENTAL

OPLAN SAURON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with