^

Bansa

P30,000 sweldo para sa 'entry-level' gov't nurses itinulak sa Senado

James Relativo - Philstar.com
P30,000 sweldo para sa 'entry-level' gov't nurses itinulak sa Senado
Ayon sa Bureau of Local Employment ng Department of Labor of Employment, pumapatak lang ng P8,000 hanggang P13,500 kada buwan ang kita ng mga nagsisimulang nurse.
The STAR/Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Layon ng isang senador na i-angat sa P30,531 ang bayad na natatanggap ang mga nurse sa pampublikong sektor.

Ayon kay Sen. Francis "Kiko" Pangilinan, layon ng kanyang Senate Bill 260 na mabawasan ang mga Filipino nurses na naghahanap ng mas malaking sweldo sa ibang bansa.

"Sa huli, ang layunin ng panukalang ito ay ang mapabuti ang kalagayan ng propesyon ng nursing at ang itaguyod ang kalidad ng pangangalagang pangkalusugan para sa lahat ng mga Pilipino," wika ni Pangilinan.

Sa ngayon daw kasi, nagtitiis sa mababang kita, mahahabang duty, pagod at malaking bilang ng mga pasyente ang mga nabanggit na propesyunal.

Ang pinagsama-samang salik na ito raw ang dahilan kung bakit pinipili ng marami na mangibang-bayan na lamang kaysa manatili sa bansa.

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration, umabot sa 19,551 nurses ang lumisan ng bansa noong 2016.

Dagdag pa ni Pangilinan, binubuo na mga Pilipino ang 50% ng mga dayuhang nurse sa Estados Unidos.

Sa ngayon, 10% lang daw ng mga nakatira sa probinsya (70% ng populasyon) ang nakikinabang sa serbisyong medikal ani Pangilinan — bagay na palalalain daw ng kanilang patuloy na pag-alis sa bansa.

"So we have a situation of Filipinos taking care of the health of foreigners while our kababayans hardly ever see a health professional," dagdag ni Pangilinan.

(Ang siste, andami nating Pilipino na nag-aalaga ng mga banyaga habang hindi man lang makakita ng health professional ang mga kababayan natin.)

Kita ng nurses ngayon magkano ba?

Ayon sa Bureau of Local Employment ng Department of Labor of Employment, pumapatak lang ng P8,000 hanggang P13,500 kada buwan ang kita ng mga nagsisimulang nurse.

Para naman sa mga registered nurse na hina-hire sa mga ospital, kadalasan naman daw silang nakatatanggap ng P9,757 kada buwan.

Malayo ang mga nabanggit na sweldo sa "pay scale" na natatanggap ng mga entry-level nurses sa ibang bansa — $3,800 (P194,789.90) kada buwan sa Amerika, £1,662 (P106,036.62) sa United Kingdom at $4,097 (p159,881.76) naman sa Canada.

"In the government, the average salary [of nurses] per month is around P13,500 while in private sector, the rate average is around P10,000 per month," ayon sa DOLE-BLE.

(Sa gobyerno, ang karaniwang sahod ng mga nurse kada buwan ay nasa P13,500 habang nasa P10,000 naman ito sa pribadong sektor.)

Kung makalulusot ang SB 260, mabibigyan ng sweldong hindi bababa sa Salary Grade 15 (P30,531) ang mga magsisimulang nurse na nagtratrabaho sa gobyerno.

Maliban sa pagtataas ng sweldo, layon din nitong maglagay ng mga mekanismo para maging mas "relevant" ang nursing practices, magpatupad nang mas makataong kondisyon sa trabaho at pagpapaunlad ng kanilang propesyunalismo para maitaguyod ang kanilang kapakanan at pangakong maglingkod.

Sa katatapos lang na State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte, ipinangako niyang maitataas ang sweldo ng mga nurse oras na maaprubahan ng Kongreso ang panibagong bersyon ng Salary Standardization Law.

"A little bit bigger than before. This is intended to increase the salaries of national government workers, including teachers and nurses," wika ng presidente.

(Mas mataas nang konti kaysa dati. Para na rin maiangat ang sweldo ng mga kawani ng gobyerno, kasama ang mga guro't nurse.)

Nakatakdang kumuha ng 13,000 nurses ang gobyerno ngayong 2019.

FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with