Bigti gamit ang lubid mas matipid - Digong
MANILA, Philippines — Kung ang Malacañang ang masusunod ay mas nais nito ang matipid na pamamaraan para ipatupad ang death penalty sa bansa gamit lang ang lubid o death by hanging.
“Kung tatanungin mo siya, walang gastos ‘yung lubid,” sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa panayam.
Bukod sa pagbigti, isinusulong din ng Palasyo ang death penalty by lethal injection.
“Pero siguro ‘yung dati natin, lethal injection,” ayon pa kay Panelo.
Positibo ang Pangulo na makakuha ng suporta sa Kongreso at maihahabol pa sa ilalim ng kanyang termino ang capital punishment sa drug-related cases at plunder.
Sa mensahe ni Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA), inamin nitong matatagalan pa ang laban kontra sa iligal na drogang salot sa lipunan kaya makakatulong ang pagbabalik ng death penalty sa bansa.
“Feeling ni President ‘yan ang pinakamabigat na problema natin—corruption and drugs,” paliwanag pa ni Panelo.
- Latest