^

Bansa

Bgy., SK elections iuurong sa Oct. 2021

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bgy., SK elections iuurong sa Oct. 2021
Sa House bill 905 ni Pimentel, nais niya na ilipat sa October 11, 2021 ang eleksyon para bigyan umano ng pagkakataon ang Commission on Elections (Comelec) na makapaghanda.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nais ipagpaliban ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections na gaganapin sa Mayo 11, 2020.

Sa House bill 905 ni Pimentel, nais niya na ilipat sa October 11, 2021 ang eleksyon para bigyan umano ng pagkakataon ang Commission on Elections (Comelec) na makapaghanda.

Kailangan anya ng poll body ng sapat na panahon lalo pa at katatapos lamang ng midterm elections noong May 13 at hindi muna magagastos ang P3 bilyong pondo para rito.

Dapat din umanong siguruhin ng Comelec na mabibigyan ng oras ang mga kabataang Pilipino na magparehistro bilang first time voters.

Nasaad din sa panu­kala na mananatili sa puwesto ang nasa 670,000 barangay at SK officials hanggang mahalal ang mga papa­lit sa kanila.

Habang sa isang hiwalay na panukala naman na inihain ni Isabela Rep. Faustino Dy ay nais nitong i-postpone at ilipat ang schedule ng halalan sa May 2023 para mapalawig ang termino ng mga opisyal sa limang taon.

JOHNNY PIMENTEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with