LPA bumalik papasok ng PAR, naging bagyong 'Goring'
MANILA, Philippines (Updated 1:13 p.m.) — Muling nagbabalik ang isang sama ng panahon matapos nang makalabas ng Philippine Area of Responsibility at lalo pang lumakas, ayon sa huling ulat ng Pagasa.
Lumakas ang noo'y low pressure area at tuluyang nagng tropical depression matapos makapasok uli ng Philippine Area of Responsibility. Tatawagin na itong bagyong "Goring."
At 7AM today, the Low Pressure Area (LPA) has re-entered the Philippine Area of Responsibility (PAR). It then developed into Tropical Depression #GoringPH at 8AM. Severe Weather Bulletin will be issued at 11AM today.
— PAGASA-DOST (@dost_pagasa) July 19, 2019
Una nang naibalita ang paglabas nito ng bansa, ngunit pumasok uli nang mamataan 190 kilometro hilaga hilagang kanluran ng Basco, Batanes kaninang alas-diyes ng umaga.
May dala itong hangin na may lakas na 45 kilometro kada oras na may pabugso-bugsong hangin na 60 kilometro kada oras.
Kumikilos ito ngayon pa-hilagangsilangan sa bilis na 30 kilometro kada oras.
Posible itong lumabas ng PAR ngayong gabi o bukas ng umaga.
Isinailalim na rin ang Batanes sa Tropical Cyclone Wind Signal no. 1.
"Patuloy pong hihilahin ni Goring itong ating southwest monsoon o Hanging Habagat, na nakakaapekto sa kanlurang bahagi ng Luzon," ayon kay Ariel Rojas, weather specialist ng Pagasa.
Makararanas ng katamtaman at minsanang malalakas na pag-ulan sa Batanes.
Mahihina hanggang katamtaman na may minsang malalakas na pag-ulan naman na mararamdaman sa rehiyon ng Ilocos at Babuyan Group of Islands.
- Latest