18-M Pinoy workers namemeligrong mawalan ng trabaho

Ayon kay Trade and Industry Usec. Rafaelita Aldaba, mahalagang makasabay ang Pilipinas sa makabagong production process dahil maraming investors ang naghahanap ng bansang paglalagakan ng puhunan.

MANILA, Philippines — Namemeligro ang may 18 milyong Filipino na mawalan ng trabaho sa sandaling ipatupad ang 4th Industrial Revolution at maging fully-equipped na ng mga bagong technology at makinarya gamit ang mga robot sa susunod na 3-4 taon.

Ayon kay Trade and Industry Usec. Rafaelita Aldaba, mahalagang makasabay ang Pilipinas sa makabagong production process dahil maraming investors ang naghahanap ng bansang paglalagakan ng puhunan.

Sinabi ni Usec. Alda­ba, ang pinaka-apek­tadong sector ay ang agrikultura kung saan ay 90 percent ng trabaho ang inaasahang mawawala sa susunod na mga taon dahil sa modernong technology.

Aniya, upang malutas at matugunan ang magiging employment impact ay tuturuan ang mga manggagawa na makasabay sa bagong tekonolohiya para maitaas ang productivity at mapalawak ang production na magiging katumbas din ng mas mataas na income para sa mga Filipino.

“Gaya po ng sinabi ko disruptive itong mga technologies arising from the fourth industrial revolution. And in fact, may mga studies that were already conducted; sabi ng McKinsey, 48% of activities - that’s equivalent to 18.2 million jobs - could be automated. And mostly, it’s gonna affect agriculture with 6 million jobs ‘no being lost due to automation; retail, 3.4 million jobs; in manufacturing, 2.4 million jobs,” dagdag pa nito.

Show comments