Dagdag na benepisyo sa solo parents ipinanukala ni Bong Go
MANILA, Philippines — Isinampa ni Senador Christopher “Bong” Go ang isang panukalang-batas na magbibigay ng mga dagdag na benepisyo at pribilehiyo sa mga single parents sa pamamagitan ng pagtulong na mapagaan ang pasanin sa mag-isang pagpapalaki sa kanilang mga anak.
Sinabi ni Go na tutulungan din ng naturang panukalang batas ang mga babae na nagkaanak bunga ng panggagahasa at iba pang krimen at mga namatayan ng mister.
Isinaad sa kanyang Senate Bill No. 206 na aamyendahan nito ang Solo Parents’ Welfare Act of 2000 at nagsasabi na hindi sapat ang mga benepisyo at pribilehiyong ibinibigay ng umiiral ngayong batas sa mga pangangailangan ng mga single parents.
Kapag napagtibay at naging batas ang SB 206, bibigyan nito ng dagdag na special discount ang mga solo parents sa mga bilihin tulad ng 10% sa damit ng sanggol na hanggang dalawang taong gulang, 15% sa baby’s milk at pagkain ng sanggol na hanggang dalawang taong gulang at 15% sa gamot ng hanggang limang taong gulang.
Bibigyan din ang mga anak ng single parents ng 10% discount sa matrikula sa eskuwelahan, pribado at pampubliko, mula grade one hanggang kolehiyo at 20% discount sa school supplies hanggang 21 taong gulang.
- Latest