^

Bansa

P12-M smuggled rice nasabat

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P12-M smuggled rice nasabat
Base sa Philippine Navy-Naval Forces Wes­tern Mindanao (NAVFORWEM), naharang ang mga smuggled na bigas sa karagatan ng Lampinigan island sa Basilan habang sakay ng M/L Jehan noong Biyernes.
Roel Pareño

MANILA, Philippines — Tinatayang P12 mil­yon halaga ng smuggled na bigas ang nasabat ng Philippine Navy sa karagatan ng Basilan.

Base sa Philippine Navy-Naval Forces  Wes­tern Mindanao (NAVFORWEM), naharang ang mga smuggled na bigas sa karagatan ng Lampinigan island sa Basilan habang sakay ng M/L Jehan noong Biyernes.

Ayon kay Rear Admiral Erick Kagaoan, commander ng Navforwem, patungo umano ang nasabing barko sa Zamboanga City na mula naman sa Labuan, Malaysia at may sakay na 10 crew.

Sinabi pa ni Kagaoan, tinatayang may 10,000 sako ng smuggled rice na umano’y nagkakahalaga ng P12 milyon at walang mga kaukulang importation documents.

Kaagad namang ines­kortan ang nasabing barko sa Ensign Majini Pier, Naval station Romulo Espaldon sa Bagong Calarian, Zamboanga City para im­bestigahan bago tuluyang i-turn over sa Bureau of Customs (BOC).

Ang pagkakaharang umano sa rice smuggling ay resulta ng pinaigting na pagpapatrulya ng Philippine Navy sa mga karagatan bilang suporta na rin sa operasyon ng Western Mindanao Command o Westmincom.

SMUGGLED RICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with