MANILA, Philippines — Isinusulong sa Kamara na itaas sa P30,000 ang basic salary ng mga public elementary at high school teachers.
Sa House Bill 1020 ni Quezon City 2nd District Rep. Precious Hipolito-Castelo, dahil sa underpaid at undervalued and mga public school teachers sa bansa kaya dapat na itong itaas sa P30,000 kahit gaano pa sila katagal sa serbisyo.
Sa kasalukuyan ay mas mababa pa ang salary grade ng mga pampublikong guro na hindi tugma sa kanilang kontribusyon sa bansa at mga sakripisyo sa kanilang propesyon.
Bukod pa rito ang pakikipag-deal nila sa iba’t ibang behavior ng mga estudyante at ang pagdadala ng kanilang mga trabaho hanggang sa kanilang mga bahay.