^

Bansa

Mas mahabang SONA asahan – Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Mas mahabang SONA asahan – Palasyo
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo na gusto ni Pangu­long Duterte na mag-lecture lalo na sa mga kritiko ng administrasyon sa nilalaman ng konstitusyon.

MANILA, Philippines — Ipinagpauna na ng Malacañang sa publiko na posibleng mahaba ang State of the Nation Address (SONA) ni Pa­ngulong Duterte sa July 22.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo na gusto ni Pangu­long Duterte na mag-lecture lalo na sa mga kritiko ng administrasyon sa nilalaman ng konstitusyon.

Ito ay sa harap ng patuloy na pagbanat ng mga kritiko sa Pangulo dahil sa pagpayag nitong makapangisda sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas ang China. 

Ayon kay Panelo, hindi raw nauunawaan ng mga kritiko ang gustong ipaliwanag ng Pangulo hinggil sa independent foreign policy ng admi­nistrasyon partikukar sa pakikitungo sa China.

Tinawag ni Panelo ang mga kritiko ng Pa­ngulo bilang mga sutil kabilang dito sina dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, dating Ombudsman Conchita Carpio Morales at Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na gustong ipain ang Pangulo sa China.

Inihayag ni Panelo na dinadaan na lamang ng Pangulo sa pang-aasar sa mga kritiko nito ang pagtugon sa sitwasyon sa pamamagitan ng pagsasabing magsama-sama silang sumakay sa barko ng Amerika at silang unang pumukol o bumomba sa China. 

Sa nakalipas na 2018 SONA ni Pangulong Duterte tumagal lamang ito ng 48 hanggang 50 minuto, ang 2017 SONA ay tumagal ng dalawang oras, habang ang kauna-unahang SONA nito noong 2016 ay tumagal ng isa at kalahating oras.

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with