^

Bansa

'Transport holiday' protest ng TNVS drivers, operators tuloy ngayong araw

James Relativo - Philstar.com
'Transport holiday' protest ng TNVS drivers, operators tuloy ngayong araw
Inaasahang mag-ooffline hanggang alas-sais ng gabi ang 30,000 hanggang 35,000 drivers at operators ngayong araw bilang protesta sa hindi pagtanggap ng LTFRB sa mga hatchback na kotse bilang TNVS unit.
The STAR/Romina Cabrera

MANILA, Philippines — Tuloy ang protesta ng libu-libong nagmamaneho ng Transport Network Vehicle Service ngayong araw kahit nakipag-usap na sa ilang opisyal ng pamahalaan Lunes ng umaga.

'Yan ay kahit una nang naibalita na ititigil nila ito matapos makipagdayalogo sa Department of Transportation, Civil Service Commission at Anti-Red Tape Authority, ayon sa ulat ng The STAR.

Sa ulat ng CNN Philippines, sinabi ni Ariel Inton, founder ng Lawyers for Consumers Safety and Protection at abogado ng Laban TNVS, magpapatuloy ang tigil operasyon at iniatras lang ang pagkakaso sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa Office of the Ombudsman.

Inaasahang mag-ooffline hanggang alas-sais ng gabi ang 30,000 hanggang 35,000 drivers at operators ngayong araw bilang protesta sa hindi pagtanggap ng LTFRB sa mga hatchback na kotse bilang TNVS unit.

'Yan ay kahit meron nang Memorandum Circular 2018-005 na nagpapahintulot sa  mga ito na magserbisyo.

Maliban pa riyan ay ang diumano'y "mabagal" na pagproproseso ng provisional authority at certificate of public convenience sa kanila.

"Hindi naman pwedeng mabago 'yan sa salita lang... Maraming umasa diyan like OFWs, those who have previous employment na nag-resign and then suddenly, puputulin mo just because of what you say that it's unsafe," sabi ni Inton.

Ayon naman kay DOTr Undersecretary Mark de Leon, kinalailangang respetuhin ang inilabas na memorandum.

Wala rin naman daw ito epekto sa operasyon ng Grab at bilang ng kanilang mga sasakyan sa kalsada kaninang umaga.

Pag-uusapan naman daw bukas kasama ng LTFRB ang posibleng pagpapatigil sa paghuli ng mga TNVS na walang PA.

Alas-singko y media ng umaga nang magsimulang mag-"noise barrage" sa Quezon Memorial Circle ang ilang tsuper ng TNVS bilang pagtutol sa desisyon ng LTFRB.

Kwinestyon naman ni Sen. Grace Poe ang ginagawang panggigipit ngayon sa mga driver.

"Siguro ay dapat rin nating malaman kung bakit napag-desisyon ng LTFRB na hindi sundin ang sarili nilang circular," ani Poe sa ulat ng DWIZ— may mga ulat mula kay The STAR/Romina Cabrera at News5

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

GRAB

LTFRB

TNVS

TRANSPORT STRIKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with