Presyo ng gasolina tataas, diesel bababa
July 8, 2019 | 12:00am
MANILA, Philippines — Nag-anunsiyo na ang ilang kompanya ng langis na magkakaroon ng paggalaw sa presyo ng kanilang mga produkto simula bukas, Hulyo 9.
Nasa P0.25 ang itataas ng presyo ng kada litro ng gasolina habang P0.40 naman ang bawas-presyo sa kada litro ng diesel, ayon sa Petro Gazz at Shell.
Tatapyasan din ng Shell ng P0.35 ang kada litro ng kanilang kerosene. Epektibo ang mga bagong presyo simula alas-6 ng umaga.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
- Latest
Latest
Recommended