^

Bansa

Inflation 'pinakamabagal sa loob ng 2 taon' sa 2.7%

James Relativo - Philstar.com
Inflation 'pinakamabagal sa loob ng 2 taon' sa 2.7%
Sa kabila ng mga sana'y positibong mga numero, sinabi naman ng Bayan Muna na hindi nararamdaman ng mga Pilipino ang pagbaba ng inflation.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Bumaba sa 2.7% ang inflation para sa buwan ng Hunyo ngayong 2019, ayon sa pinakabagong ulat ng Philippine Statistics Authority Huwebes.

Ito na ang pinakamabagal na naitalang inflation, o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa isang takdang panahon, simula Setyembre 2017.

"This brings the year-to-date inflation for 2019 to 3.4 percent," sabi ng PSA sa isang tweet ngayong umaga.

(Naitala tuloy ang year-to-date inflation ngayong 2019 sa 3.4 %.)

Dahil dito, pasok pa rin sa 2-4% target, na itinakda ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa 2019 hanggang 2020, ang inflation mula Enero hanggang Hunyo.

Sa 11 "major commodity groups," sinabi ng PSA na pinakanakaapekto sa datos ang pagkain at 'di nakalalasing na inumin, na nakakuha ng taunang tantos na 2.7%.

Dahil dito, itinuro ito ng PSA bilang pinakamalaking dahilan kung bakit bumagal ang June 2019 data. Binuo raw ng commodity group na ito ang 39.8% ng kabuuang inflation.

Itsura sa mga rehiyon

Kasabay ng pagbaba sa kabuuang bansa, ganito rin ang trend na lumalabas para sa National Capital Region, at areas outside NCR.

Mula sa 3.4% noong Mayo 2019, bumaba ito sa 3% ngayong buwan sa NCR.

Nasa 5.8% naman ito sa NCR sa parehong buwan noong 2018.

Bumaba rin ito sa AOR sa 2.6% ngayong Hunyo mula sa 3.1% noong nakaraang buwan.

Sa lahat ng mga nasa AOR, pinakamababa ito sa Region IX habang pinakamataas naman sa MIMAROPA.

Tanging sa MIMAROPA tumaas ang inflation para sa mga nasa AOR.

'Hindi sinasalamin ang tunay na kalagayan'

Sa kabila ng mga sana'y positibong mga numero, sinabi naman ng Bayan Muna na hindi nararamdaman ng mga Pilipino ang pagbaba ng inflation.

"Magandang balita lang yan kung nagbabaan na din sana ang mga presyo ng bilihin dulot ng mataas na inflation ng.mga nakaraang mga buwan. Pero sa realidad, hindi bumaba ang mga presyo ng maraming batayang bilihin," sabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate kanina.

Aniya, nagtataasan pa rin daw ang presyo ng gatas at kape, habang "sobra-sobra" naman daw ang sinisingil para sa presyo ng petrolyo.

"[A]yaw pang ipakita sa mamamayan ang tunay na 'unbundled oil prices,'" dagdag ni Zarate.

Paliwanag ng mambabatas, ginagamit lang daw ang mga pigura upang lokohin ang mga Pilipino kahit na lugmok pa rin sila sa kahirapan.

Kasalukuyang naipako sa P7.916 trilyon ang utang ng Pilipinas nitong Mayo ng 2019, na 15.8% na pagtaaas mula sa P6.832 trilyon noong 2018 ng parehong buwan, ayon sa datos ng Bureau of Treasury.

"Even those who are not born yet are already neck deep in debt (Kahit 'yung mga hindi pa ipinapanganak, baon na sa utang)," dagdag ni Zarate.

Dahil dito, inihain na ng grupo para sa pagbubukas ng 18th Congress ang House Bill 246 para itaas sa P750 ang national minimum wage at House Bill 247 para itaas sa P16,000 ang basic minimum salary ng mga kawani ng gobyerno.

"Ang kailangan po ng mga manggagawa ngayon ay dagdag na sahod para makaagapay man lang sa taas ng presyo ng bilihin. Wala pong kabuluhan sa kanila sa ngayon ang sinsasabing pagbaba ng inflation," paliwanag naman ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite.

BAYAN MUNA

ECONOMY

INFLATION RATE

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with