MANILA, Philippines — Isinusulong na sa Senado ang isang resolusyon na gawing isang sentimo na lamang ang text message mula sa kasalukuyang P1 o piso.
Ayon kay Sen. Imee Marcos, nagsusulong ng resolusyon, masyadong malaki ang P1 para sa isang160-character na text message.
Gusto ni Marcos na utusan ng Department of Information and Communications and Technology (DICT) ang National Telecommunications Commission (NTC) na ibaba ang presyo ng text message at magkaroon ng istriktong price ceiling sa text message.
Naniniwala si Marcos na kung ikukumpara ang presyo ng isang text message sa presyo ng isang byte data para sa data services ng mga telco, maaari itong mapababa ng hanggang P0.05 centavos bawat megabyte ng data pero kikita pa sila.
Maliwanag aniya na ang standard na P1 sa bawat text message ay masyadong malaki.
Naniniwala rin si Marcos na ang mga mamamayan ang makikinabang kapag naibaba pa ang presyo ng pagpapadala ng text message.