Carpio nag-inhibit sa WPS case
MANILA, Philippines – Nag-inhibit na kahapon sa deliberasyon ng writ of kalikasan sa West Philippine Sea si Senior Associate Justice Antonio Carpio.
Ayon kay Carpio, ang kanyang boluntaryong pag-inhibit ay para sa ikatatahimik ng Solicitor General.
Kahapon ay nagsagawa ng pagdinig para sa pag-iisyu ng writ of kalikasan para sa Scarborough Shoal, Ayungin Shoal at Panganiban Reef oral arguments.
Sinabihan ni SolGen Jose Calida si Carpio na mag-inhibit sa kaso dahil sa personal bias nito at partiality.
Ito umano ay dahil sa partisipasyon ng mahistrado sa kasong isinampa ng Pilipinas laban sa Beijing sa international court at mga public statements sa aksyon ng gobyerno kaugnay ng panalo ng bansa sa 2016 arbitral case.
Una nang sinabi ni Carpio na nakasaad sa Constitution na dapat ay protektahan ang marine wealth ng bansa at ireserba ito para lamang sa mga Pilipino.
- Latest