Pagpapaliban sa barangay polls sa May 2023 isinulong

MANILA, Philippines – Umabot na sa mahigit 900 panukala ang naihain ng mga mambabatas sa unang araw ng 18th Congress sa Kamara.

Sa tala ng Bills and Index, umabot sa 965 na House Bills at 26 House Resolutions ang naihain kahapon kabilang ang pagpapaliban sa barangay elections mula May 2020 sa May 2023 na inihain ni Isabela 6th district Rep. Faustino Dy.

Gayundin ang absolute divorce at dissolution of marriage ni Albay Rep. Edcel Lagman na nakalusot sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara nitong 17th Congress subalit hindi umusad sa Senado. 

Muli ring inihain ni Isabela Rep. Antonio Albano ang Medical Marijuana Bill na nakapasa sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara pero natengga lamang sa Senado. 

Inihain din ang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression o SOGIE Equality Bill o Anti-Discrimination Bill na 19 na taon ng pabalik-balik sa Kongreso.

 

Show comments