Water level sa Angat Dam tumaas na

Sa ulat ng PAGASA dam monitoring division, nakapagtala ang Angat ng 160.29 meters ng water level na mas mataas ng 44 meters mula sa 159.85 noong Lunes.
File

MANILA, Philippines – Tumaas na ng bahagya ang water level sa Angat Dam sa Bulacan dulot ng mga pag-uulan na naranasan sa Luzon dala ng bagyong Egay at habagat.

Sa ulat ng PAGASA dam monitoring division, nakapagtala ang Angat ng 160.29 meters ng water level  na mas mataas ng 44 meters mula sa 159.85 noong Lunes.

Tumaas din ang water level sa La Mesa dam sa Lagro, Quezon City na nakapagtala kahapon ng 72.23 meters mula sa 71.76 noong Lunes.

Ang Angat dam ang nagsusuplay ng 90 percent ng tubig sa Metro Manila.

Patuloy naman ang pagbaba ng water level sa Ambuklao dam sa Baguio, Pantabangan sa Pampanga, San Roque sa Dagupan at Ipo sa Norzagaray, Bulacan.

Show comments