^

Bansa

Magsasampa ng impeachment vs Duterte aarestuhin ng PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Magsasampa ng impeachment  vs Duterte aarestuhin ng PNP
Ito ang inihayag kahapon ni PNP Chief Police General Oscar Alba­yalde kaugnay ng banta ni Pangulong Duterte na ipaaresto ang sinumang magsasampa ng kaso upang mapatalsik siya sa puwesto.

MANILA, Philippines — Nakahanda sa lahat ng oras  ang mga elemento ng Philippine National Police  na arestuhin ang sinumang maghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipadadakip nito.

 Ito ang inihayag kahapon ni PNP Chief Police General Oscar Alba­yalde kaugnay ng banta ni Pangulong Duterte na ipaaresto ang sinumang magsasampa ng kaso upang mapatalsik siya sa puwesto.

Nilinaw naman ng PNP Chief na hindi basta basta aarestuhin ang mga  kritiko ng administrasyon dahilan lamang na itinuro ito ng punong ehekutibo.

“Dapat may imbestigasyon. Hindi mo naman puwede basta kunin iyung tao dahil tinuro tapos kunin mo. Laging may imbestigasyon bago ka mang-aresto,”  paliwanag pa ni Albayalde.

Inihayag ni Albayalde na  posibleng sedisyon  o libelo ang kasong kakaharapin ng mga ito na may kaugnayan sa tangkang pabagsakin ang pamahalaan na depense pa rin sa desisyon ni Pa­ngulong Duterte.

Nabatid na ang pahayag ni Pangulong Du­terte ay kaugnay ng pagpabor nito sa China sa halip na ipagtanggol ang isinasaad sa Saligang Batas na ipagtanggol ang integridad ng soberenya ng bansa.

vuukle comment

OSCAR ALBA­YALDE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with