MANILA, Philippines — Pinalagan ng Independent Power Producers Association, Inc. (IPPA), kasama ang lahat ng power industry associations, stakeholders at iba pang business groups and associations ang hinihinging prangkisa ng Solar Para Sa Bayan (SPSB) Corp., at sa halip ay iginiit na ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) ang dapat sundin.
Hinihikayat ng IPPA ang Office of the President na pag-aralan o rebyuhing mabuti ang House Bill No. 8179 (Granting a Franchise to Solar Para Sa Bayan Corporation June 2019), at ang magiging epekto ng pabibigay ng prangkisa, dahil labag umano ito sa saligang-batas at ‘equal protection clause’ ng konstitusyon.
Hinihiling din ng IPPA na matapos ang maingat na pagkokonsidera, ang maging konklusyon nito ay ‘i-veto’ ang ‘legislative franchise’ ng SPSB dahil gagawa lamang umano ito ng kaguluhan sa regulasyon, magiging sagabal sa investors, at ang makikinabang lamang ay ang indbidwal na may kapangyarihan.
Sa statement ng IPPA, kinontra nila ang pagkakaloob ng prangkisa sa SPSB, dahil ang EPIRA umano ang pangunahing batas na namamahala sa electric power industry.