^

Bansa

Prangkisa ng solar firm pinalagan ng power producers

Pilipino Star Ngayon
Prangkisa ng solar firm  pinalagan ng power producers
Hinihikayat ng IPPA ang Office of the President na pag-aralan o rebyuhing mabuti ang House Bill No. 8179 (Granting a Franchise to Solar Para Sa Bayan Corporation June 2019), at ang magiging epekto ng pabibigay ng prangkisa, dahil labag umano ito sa saligang-batas at ‘equal protection clause’ ng konstitusyon.

MANILA, Philippines — Pinalagan ng Independent Power Producers Association, Inc. (IPPA), kasama ang lahat ng power industry associations, stakeholders at iba pang business groups and associations ang hinihinging prangkisa ng Solar Para Sa Bayan (SPSB) Corp., at sa halip ay iginiit na ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) ang dapat sundin.

Hinihikayat ng IPPA ang Office of the President na pag-aralan o rebyuhing mabuti ang House Bill No. 8179 (Granting a Franchise to Solar Para Sa Bayan Corporation June 2019), at ang magiging epekto ng pabibigay ng prangkisa, dahil labag umano ito sa saligang-batas at ‘equal protection clause’ ng konstitusyon.

Hinihiling din ng IPPA na matapos ang maingat na pagkokonsidera, ang maging konklusyon nito ay ‘i-veto’ ang ‘legislative franchise’ ng SPSB dahil gagawa lamang umano ito ng kaguluhan sa regulasyon, magi­ging sagabal sa investors, at ang makikinabang lamang ay ang indbidwal na may kapangyarihan.

Sa statement ng IPPA, kinontra nila ang pagkakaloob ng prangkisa sa SPSB, dahil ang EPIRA umano ang pangunahing batas na namamahala sa electric power industry.

SOLAR PARA SA BAYAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with