^

Bansa

Solidong Kongreso kailangan ni Duterte

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Solidong Kongreso kailangan ni Duterte
Ayon sa batikang political analyst na si Mon Casiple, mainit ang usapin ng West Philippine Sea at ang banta ng impeachment hanggang sa huling nalalabing tatlong taong termino ng Pa­ngulo kaya dito papasok na dapat mayroon itong maasa­hang lider sa Kamara.

MANILA, Philippines — Malaki ang papel na gagampanan ng Kongreso sa Administrasyong Duterte sa harap na rin ng banta ng impeachment kaya nangangailangan ng matatag na lider lalo sa House of Representatives.

Ayon sa batikang political analyst na si Mon Casiple, mainit ang usapin ng West Philippine Sea at ang banta ng impeachment hanggang sa huling nalalabing tatlong taong termino ng Pa­ngulo  kaya dito papasok na dapat mayroon itong maasa­hang lider sa Kamara.

Ani Casiple, hindi man aminin ng Pangulo ay na­rarapat na personal pick niya ang magiging House Speaker ng Kamara.

Ang Makabayan Bloc ang syang nagbanta na mangunguna sa paghahain ng impeachment kay Pangulong Duterte kung saan ang kanilang magi­ging basehan ay ang na­ging statement ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na ang pagpayag ng admi­nistrasyon sa mga Chinese fishermen sa Philippine Exclusive Economic Zone ay malinaw na paglabag sa konstitusyon.

Matatandaan na ang Makabayan Bloc na syang naghahanda na magsampa ng impeachment ang isa umano sa mga sinusuyo ni Speaker wannabe Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na makuha ang boto kasunod na rin ng mahigipit na laban nito sa Speakership sa pagitan ni Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano.

Maging ang Liberal Party ay umaming sinuyo din umano ni Velasco kung saan ang pagkaka­roon ng Committee Chairmanship sa kanilang mga senior members ang isa sa pangako sa kanila.

Kaugnay naman sa usapin ng term sharing sa Speakership na tinanggihan ni Velasco, sinabi ni Casiple na naniniwala siyang nainis dito ang Pangulong Duterte at may malaking puntos na nawala dito kay Velasco.

HOUSE SPEAKERSHIP RACE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with