^

Bansa

Kaliwa susuportahan si Bayan Muna Rep. Zarate sa pagtakbong House speaker

James Relativo - Philstar.com
Kaliwa susuportahan si Bayan Muna Rep. Zarate sa pagtakbong House speaker
Maliban sa magiging "sunud-sunuran" daw ang mga ibang kandidato sa pagka-speaker, sinabi ni Zarate gagamitin daw ang pagluluklok sa mga kaalyado ni Duterte sa speakership upang mairatsada ang pagpapatupad ng charter change.
File

MANILA, Philippines — Matapos ibato ng partidong PDP-Laban ang kanilang pag-endorso kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ngayong araw, ibang pangalan naman ang nais i-field ng mga militanteng mambabatas sa pagka-house speaker sa 18th Congress ng House of Representatives.

"Pormal pong inaanunsyo natin ang pagtakbo bilang speaker ni Bayan Muna Rep. Caloy [Carlos] Zarate sa susunod na Kongreso," sabi ni Alliance of Concerned Teachers Rep. Antonio Tinio sa isang press conference Miyerkules.

Miyembro si Zarate ng Makabayan bloc, na paksyon ng mga progresibong party-list sa loob ng Kamara kabilang ang Bayan Muna, gabriela Women's Party, Kabataan, ACT at Anakpawis.

"Panahon na na ang Kongresong ito ay magkaroon ng speaker na titindig para ipaglaban ang soberanya at soberanyang karapatan ng Pilipinas, [laban sa] panghihimasok at pagbabase ng mga tropa ng US dito sa Pilipinas, o sa pang-aagaw ng Tsina sa teritoryo natin at... sa likas na yaman ng Pilipinas partikular sa West Philippine Sea," dagdag ni Tinio.

Paliwanag pa nila, hindi nila susuportahan ng Makabayan ang pagtakbo nina Velasco, Leyte Representative-elect Martin Romualdez at Taguig-Pateros Representative-elect Alan Peter Cayetano dahil pare-pareho lang daw silang kumikiling sa mga tindig Pangulong Rodrigo Duterte.

Kapartido ni Duterte si Velasco sa PDP-Laban habang party member naman ng Lakas-Christian Muslim Democrats si Romualdez. 

Bagama't Nacionalista si Cayetano ay matatandaang tumakbo siya bilang bise presidente ni Pangulong Rodrigo Duterte taong 2016.

"Lahat naman nitong mga tumatakbong mga speaker ngayon ay pabor sila sa policy ng Duterte administration, especially sa usapin ng ating sovereignty sa West Philippine Sea. Sa ngayon, ay iba na pala ang ibig sabihin kapag sinabi mong exclusive economic zone, it includes exclusive economic zone also for China," wika ni Zarate.

Tinutukoy niya ang pahayag kamakailan ng Palasyo na hahayaang mangisda sa West Philippine Sea ang mga Tsino kahit na nasa loob ito ng EEZ ng bansa.

Pinaboran din ni Bai Eufemia Cullamat, na uupong bagong kinatawan ng Bayan Muna sa Kamara sa susunod na Kongreso, ang pagtakbo ni Zarate.

"Makatwiran po na ang Makabayan bloc ay magkaroon ng speaker, dahil sa amin bilang mga katutubo ay hindi napag-uusapan 'yung militarization," sabi ni Cullamat na isang lider Lumad.

"Partikular.. sa Negros, ang nauuna talagang mabiktima doon sa mga militarization ay 'yung mga karapatan, tumitindig para mabuhay ng payapa sa aming bayan."

Charter change iraratsada?

Maliban sa magiging "sunud-sunuran" daw ang mga ibang kandidato sa pagka-speaker, sinabi ni Zarate gagamitin daw ang pagluluklok sa mga kaalyado ni Duterte sa speakership upang mairatsada ang pagpapatupad ng charter change.

"Halimbawa ang pagbabago ng Saligang Batas, na sa ngayon, talagang it was thrown out the window, itong pretention na pederalismo ang tungtungan ng pagbabago ng Saligang Batas," wika ni Zarate.

"Ngayon, talagang sinabi na ng pangulong Duterte, 'Kahit walang pederalismo, kung ayaw niyo, ang gusto ko palitan niyo ang Saligang Batas.'"

Isa ang pagpapatupad ng pederalismo sa mga ipinangako ni Duterte noong tumatakbo pa lamang, bagay na magbibigay daw ng mas malaking awtonomiya sa mga lugar na magtakda ng sari-sarili nilang mga batas.

Bukod sa posibleng pagpapalawig ng termino ni Duterte sa pamamagitan ng Cha-Cha, tutungo raw ito sa lalong pagbubukas ng pambansang patrimonya at soberanya sa "mas grabe pang kontrol at gahasa ng mga dayuhan."

'Isyu pag-usapan kaysa basbas ni Duterte ang focus'

Kinastigo naman ni Zarate ang iba pang mga kandidato sa pagka-speaker, na wala raw inatupad kung hindi makuha ang pag-endorso ni Duterte.

"Wala tayong naririnig, ano ba ang agenda ng ating mga tumatakbong speaker ngayon? Paano ba sosolusyunan itong nangyayari ngang pandarambong nga ng Tsina sa ating teritoryo? Paano ba sosolusyunan ang tuloy-tuloy na kahirapan ng ating mamamayan?" ani Zarate.

"This is an assertion, not only of our independence as a bloc... but an assertion of the voice of our people na sa mahabang panahon ay talagang hindi namamayani dito sa House of Representatives."

(Ito'y paggigiit, hindi lang ng aming independensiya... ngunit paggigiit ng boses ng mamamayan na sa mahabang panahon ay talagang hindi namamayani dito sa House of Representatives.)

Una nang sinabi ni Duterte na hahayaan na lang niya ang mga miyembro ng Kamara na pumili ng kanilang susunod na speaker.

CARLOS ZARATE

HOUSE OF REPRESENTATIVES

MAKABAYAN BLOC

SPEAKER OF THE HOUSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with