Dodong, bagyo sa susunod na 48 oras

Ganap na alas-10:00 ng umaga kahapon, ang LPA ay nasa layong 760 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, oras na maging isang ganap na bagyo ang LPA, ito ay tatawaging Dodong.

MANILA, Philippines — Tinatayang magiging isang ganap na bagyo sa susunod na 48 oras ang isang low-pressure area (LPA)  na nasa loob ng  Philippine area of res­ponsibility (PAR).

Ganap na alas-10:00 ng umaga kahapon, ang LPA ay nasa layong 760 kilometro silangan ng  Casiguran, Aurora. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, oras na maging isang ganap na bagyo ang LPA, ito ay tatawaging Dodong.  

May kalat-kalat na pag-uulan naman, pagkulog at pagkidlat sa iba’t-ibang bahagi ng bansa lalo na sa Metro Manila, Visayas, MIMAROPA, CALABARZON, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Zambales, Bataan, at Aurora  dahil sa  habagat.

Show comments