Dodong, bagyo sa susunod na 48 oras
MANILA, Philippines — Tinatayang magiging isang ganap na bagyo sa susunod na 48 oras ang isang low-pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).
Ganap na alas-10:00 ng umaga kahapon, ang LPA ay nasa layong 760 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, oras na maging isang ganap na bagyo ang LPA, ito ay tatawaging Dodong.
May kalat-kalat na pag-uulan naman, pagkulog at pagkidlat sa iba’t-ibang bahagi ng bansa lalo na sa Metro Manila, Visayas, MIMAROPA, CALABARZON, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Zambales, Bataan, at Aurora dahil sa habagat.
- Latest