Trapo, kilig, OFW at iba pa nasa Oxford dictionary

MANILA, Philippines — Ilang mga salitang nagmumula sa Pilipinas ang napasama na sa pangatlo at kasalukuyang edisyon ng Oxford English Dictionary tulad ng trapo, kilig, bongga, Overseas Filipino Worker (OFW), pan de sal, kikay kit, halo-halo, despedida at gimmick ay pinalawak din ang kahulugan ng ilang salitang Ingles.

Gaya ng makikita sa lente ng Oxford English Dictionary, isang event na nagdiriwang sa kakaibahan at pagkamalikhain ng Philippine English ang idinaos sa embahada ng Pilipinas sa United Kingdom na idinaos sa Sentro Rizal London na pinasinayaan kamakailan.

Ang OED ay isa sa pinakamatanda at napakatagal nang language research project sa mundo. Mula sa una nitong edisyon hanggang pinakahuli, isinama ng OED ang maraming mga salita at senses mula sa iba’t-ibang klase ng Ingles mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo at isa na rito ang Philippine English.

Kabilang sa mga isinamang Ingles na nagbuhat sa Pilipinas ang gimmick (paglabas kasama ng mga kaibigan, viand (ulam), hiram na salita mula sa Filipino gaya ng bongga, halo-halo, kilig, pancit, pan de sal at despedida at mga pormasyon sa Ingles na sa Pilipinas lang ginagamit tulad ng kikay kit, comfort room, OFW (Overseas Filipino Worker) at trapo (karaniwan at tiwaling naghaharing pulitiko).

 

Show comments