^

Bansa

Diplomatic passport para lang sa official mission – Sotto

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Diplomatic passport para lang  sa official mission – Sotto
Ginawa ni Sotto ang paglilinaw matapos hara­ngin sa Hong Kong airport si dating Department of Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario gamit ang kanyang diplomatic passport.

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ni Senate President Vicente Sotto III na ang mga diplomatic passports ay maari lamang gamitin sa mga official missions at official travels.

Ayon kay Sotto, sa ilalim ng R.A. 8239 o Philippine Passport Act of 1996, hindi kasama sa dapat bigyan ng diplomatic passport ang mga cabinet secretaries.

Pero sa mga nabigyan na nito, dapat aniyang ginagamit lamang ang nasabing uri ng passport sa opisyal na lakad.

Ginawa ni Sotto ang paglilinaw matapos hara­ngin sa Hong Kong airport si dating Department of Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario gamit ang kanyang diplomatic passport.

Sabi ni Sotto, ang diplomatic passport ay dapat ipinapa-validate tuwing magbibiyahe.

Upang magkaroon aniya ng “revalidation”, dapat ay mayroong travel order na ibinibigay lamang sa mga incumbent officials at empleyado ng gobyerno.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Sen. Panfilo Lacson na ang visa na ibinibigay ng isang bansa ay isang pribilehiyo at hindi isang karapatan.

Karapatan din aniya ng isang “host country” kung hindi papayagan ang isang dayuhan na pumasok sa kanilang bansa.

Pero ibang usapin aniya ang detensiyon o pagkulong sa isang bisita dahil dapat itong bigyan ng abogado at dapat dumaan sa tamang proseso. 

Dagdag ni Lacson na trabaho ng embahada ng Pilipinas at mga consulates na bigyan ng tulong ang mga Filipino sa labas ng bansa. 

DIPLOMATIC PASSPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with