MANILA, Philippines — Matatanggap na ang pension differential ng 86,876 mga retiradong pulis ng Philippine National Police (PNP) sa darating na Hunyo 29.
Ayon kay PNP spokesman, Police Colonel Bernard Banac, ang matatanggap ng mga retiradong pulis ay katumbas ng halaga ng bagong buwanang basic pay scale ng mga pulis.
Sinabi ni Banac, ang bagong “adjusted” na pensyon ng mga retirado ay kanila namang matatanggap epektibo sa darating na Hulyo 16 ng taong ito.
Sinabi ni Banac na P21.679-billion ang ni-release ng Department of Budget and Management para dito mula sa P28.053-billion na ni-request ng PNP.
Kasalukuyan na aniyang inihahanda ng PNP ang computerised payroll para ma-credit ang kaukulang halaga sa mga ATM accounts ng mga pensyonado.
Nabatid na matagal ng hinihintay ng mga retiradong pulis ang kanilang pension differentials na bahagyang naunsyami.