‘Bangkang pangisda i-modernize na’
MANILA, Philippines — Nanawagan sa administrasyong Duterte si Quezon City Rep. Alfred Vargas na magpatupad na rin ng modernization program sa mga bangkang pangisda at mga passenger ships para mamonitor ito sakaling magkaroon ng emergency sa laot.
Sinabi ni Vargas, isa sa mga may-akda ng Republic Act 11321 o ang pagtatatag ng Farmers and Fisherfolk Enterprise Development Program sa Department of Agriculture (DA) na mas mainam na malagyan ang mga fishing vessel ng satellite phones, transponders para sa search and rescue, automatic identification, global positioning system (GPS), at iba pang portable electronic devices na makakapag-ere ng distress signal.
Paliwanag ng kongresista, maaari umanong magpalabas ng administrative order ang MARINA at BFAR para sa acquisition ng mga naturang gamit.
Para naman sa mga maliliit na bangkang pangisda, maaaring dumulog ang mga mangingisda sa DA at sa Cooperative Development Authority para sa funding ng mga gamit.
Base sa datos ng BFAR, 81,000 ang fishing vessels sa buong bansa, 7,000 ang rehistrado habang kalahati dito ay mga malaliit na bangkang pangisda.
Ginawa ni Vargas ang panawagan matapos na banggain ng Chinese vessel ang FB/ GemVer 1 kung saan lulan ang may 22 mangingisda at iniwan sa laot na palutang-lutang noong Biyernes ng gabi.
- Latest