^

Bansa

Business permit ng KAPA ipawalambisa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Business permit ng KAPA ipawalambisa
Inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang operasyon ng Kapa Community Ministry International inc..
Boy Santos

DILG sa LGUs

MANILA, Philippines — Ipinagutos kahapon ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa lahat ng mga mayor ng mga lungsod at bayan na kanselahin o ipawalambisa na ang mga business permit ng KAPA upang maiwasang mag-invest ang publiko sa pinaghirapan nilang pera sa kontrobersyal na investment scam.

Nauna rito, inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang operasyon ng Kapa Community Ministry International inc..

Hinikayat ni  Año ang lahat ng pinuno ng Local Government Unit (LGU) na itigil ang pagbibigay ng business permit sa Kapa, mga katuwang nitong subsidiary, at mga organisasyon maging ang lahat ng aplikasyon para sa permit ng grupo.

Ang kautusan ng DILG ay inilabas matapos ipawalambisa ng Securities and Exchange Commission ang certificate of registration ng Kapa at ma-secure ang higit sa P100-mil­yong mga asset nito sa pamamagitan ng asset freeze order na ipinalabas naman ng Court of Appeals.

Nauna na ring inutos ng Pangulo sa Philippine National Police at National Bureau of Investigation na ipahinto ang operasyon ng Kapa matapos makatanggap ng mga reklamo mula sa publiko na ang grupo ay nang-iingganyo na mag-donate ng halagang hindi bababa sa P5,000 na may balik na 30% kada buwan.
 “Sa kaso ng Kapa, malinaw na may pag-abuso sa pribilehiyong ipinagkaloob ng pamahalaan sa pagpasok nito sa isang negosyo na nangangako ng kitang hindi nito kayang tuparin,” sabi ni  Año.

Nagsimula ang ope­rasyon ng Kapa tatlong taon na ang nakararaan sa Bislig, Surigao Del Sur na lumawak at kumalat sa Mindanao bago nito narating ang Visayas at Luzon.

EDUARDO AñO

INVESTMENT SCAM

KAPA COMMUNITY MINISTRY INTERNATIONAL INC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with