MANILA, Philippines — Magbubukas ng sariling drug rehabilitation and reform center ang Pasig City. Ito ang magiging kauna-unahang rehab para sa mga pasyente na pinapatakbo ng local government unit sa bansa.
Ayon kay outgoing Pasig City Mayor Bobby Eusebio, layunin ng proyekto na maipagpatuloy ang kampanya ng Duterte administration sa anti-illegal drug campaign.
Upang matulungan ang national government sa kampanya laban sa illegal na droga, itatayo ng pamahalaang lungsod ng Pasig ang Bahay Reporma sa tatlong palapag na rehab center sa Barangay San Miguel, Pasig City na tatlong kilometro lamang ang layo sa Pasig City Hall.
Sinabi sa ulat na ang naturang rehab center ay may 150-na kama na handang mag-alok ng medical at psychotherapy services sa indibidwal na dumadanas ng sakit sa alcoholism at non-substance dependence.
Ayon kay Eusebio, ang nasabing pasilidad ay may sapat na lawak ng lugar na ligtas, mahusay at epektibo na magbigay ng health service para sa pasyente. Ang mga residente ng Pasig City ang pangunahing prioridad sa naturang center.
May hiwalay din na tuluyan ng quarter para sa mga pasyenteng babae at lalaki, may bathrooms, counselling at testing rooms, at emergency clinic.