China boat ‘di kinuyog ng mga bangka ng Pinoy

Ayon kay Professor Jay Batongbacal, direktor ng UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea, na ang visible infrared imaging radiometer suite (VIIRS) data noong gabi ng insidente ay nagpapakita na kaunting mga bangkang pangisda lang ang kumikilos sa bahagi ng Reed Bank nang oras na iyon.

Batay sa satellite images

MANILA, Philippines — Pinasinungalingan ng mga satellite images ang pahayag ng China na ang bangka nito ay sina­lakay ng pito o walong bangka ng mga Pilipino malapit sa Recto Bank.

Ayon kay Professor Jay Batongbacal, direktor ng UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea, na ang visible infrared imaging radiometer suite (VIIRS) data noong gabi ng insidente ay nagpapakita na kaunting mga bangkang pangisda lang ang kumikilos sa bahagi ng Reed Bank nang oras na iyon.

Makikita anya sa sa­tellite images na nakakalat ang mga bangka sa malawak na bahagi ng Recto Bank.

“Bawat boat-icon ay isang bangkang pa­ngisda na tinukoy ng mga bright light nito. Nakakalat sila sa malawak na bahagi ng Recto Bank. Ang pinakamagkalapit na dalawang liwanag ay may layo lang 3-5 nautical miles (approx. 7 to 9 km) sa isa’t-isa.

“Anong pito hanggang walong bangka ng mga mangingisdang Pilipino na sumugod ang sinasabi ng China?” sabi niya sa isang facebook post.

Noong Biyernes ay sinabi ng China na ang fishing boat Yuemaobinyu 42212 ay napadaong malapit sa Recto Bank nang kuyugin ito ng mga bangka ng mga mangingisdang Pilipino.

“Noong evacuation, hindi nailagan ng 42212 ang Filipino fishing boat at ang steel cable nito sa lightning grid ng larboard ay bumangga sa isang Filipino pilothouse. Tumagilid ang bangka ng Pinoy at lumubog sa tubig ito,” sabi sa pahayag ng China.

Sinabi pa sa paha­yag na pinigilan ng mga bangkang pangisdang ito ang kapitan ng Chinese ship na iligtas ang mga mangingisda ng lumubog na bangkang Pilipino.

Pero nagpahayag ng pagdududa si Batongbacal na aksidente lang ang “banggaan” sa pagsasabing hindi babangga ang isang umaandar na barko sa isang naka-ang­klang barko at ilagay sa panganib ang kaligtasan ng mga sakay nito.

Show comments