Manila court inutos palayain ang may-ari ng WellMed

Inilabas ang release order ng MTC Branch 6, matapos maglagak ng P72,000 piyansa si Sy.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Inutos ng Metropolitan Trial Court (MTC) sa National Bureau of Investigation (NBI) na palayain ang inarestong si Dr. Bryan Christopher Sy, co-owner ng WellMed Dialysis Center.

Inilabas ang release order ng MTC Branch 6,  matapos maglagak ng P72,000 piyansa si Sy.

Iginiit ng korte na dapat nang palayain si Sy dahil wala pa namang kasong naihahain laban sa kaniya kaugnay sa reklamong estafa at falsification of private documents.

Gayunman, habang isinusulat ito, nananatili pa rin si Sy sa NBI detention facility.

Hindi pa rin nagpapahayag ng anumang dahilan ang NBI sa hindi pagtugon sa utos ng korte.

Si Sy at iba pang opisyal ng WellMed ay kinasuhan ng estafa sa pamamagitan ng falsification of officials documents matapos umanong pekein ang pirma ng mga pasyenteng namatay na o hindi nag-e-exist.

Matatandaang nitong Biyernes ng magpalabas ng resolusyon ang Department of Justice (DOJ) na nagdidiin sa mga respondents na sina Dr. Sy at dalawang whistle blower na sina dating WellMed Asst. Branch Manager Edwin Roberto at PhilHealth officer Liezel Santos.

Show comments