Krimen sa bansa bumaba

Sa rekord ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM), nakapagtala ng 38,284 crime rate nitong Mayo kumpara sa nairekord na 42,527 noong Mayo 2018.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Bumaba ng 10% ang crime volume sa bansa nitong nakalipas na buwan ng Mayo.?

Sa rekord ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM), nakapagtala ng 38,284 crime rate nitong Mayo kumpara sa nairekord na 42,527 noong Mayo 2018.

“Congratulations, PNP, for making our streets safer and making our people feel more secure.  I urge you to continue your anti-crime initiatives with greater vigor and zeal,” pahayag ni DILG Sec. Eduardo Año.

Sa data ng PNP, nasa 22.6% ang ibinaba ng index crimes tu­lad ng kasong murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, carnapping, carnapping of motorcycle at cattle rustling mula 7,421 noong Mayo 2018 sa 5,744 nitong Mayo 2019.

Ang non-index crimes ay bumaba naman ng 7.31% mula 35,106 noong Mayo 2018 ay nasa 32,540 na lamang ito nitong Mayo 2019.

Ang mga non-index crimes ay ang mga kaso ng reckless imprudence resulting to homicide, reckless imprudence resulting to physical injury, reckless imprudence resulting to damage to property, violation of special laws at iba pa.

Show comments