^

Bansa

Driver’s license renewal pwede na sa malls tuwing Sabado - LTO

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Driver’s license renewal pwede na  sa malls tuwing Sabado - LTO
Una nang inutos ni Galvante na payagan na ring makapag-renew ng kanilang lisensiya ang mga driver ng may 2 buwan o 60 araw bago ang itinakdang renewal date ng aplikante.

MANILA, Philippines — Maaari nang makakuha ng student permit at makapag-renew ng kanilang driver’s license ang mga motorista tuwing araw ng Sabado sa mga mall.

Ito’y makaraang magpalabas ng memorandum circular si LTO Chief Edgar Galvante na nag-uutos sa lahat ng Driver’s License Renewal Offices (DLRO) sa mga malls sa buong bansa na buksan ang kanilang mga opisina para mabigyan ng serbisyo ang mga nais kumuha ng student license at makapag-renew ng kanilang lisensiya ang mga aplikante tuwing Sabado.

Epektibo ang kautusan ngayong June 2019.

Una nang inutos ni Galvante na payagan na ring makapag-renew ng kanilang lisensiya ang mga driver ng may 2 buwan o 60 araw bago ang itinakdang renewal date ng aplikante.

Kung ayaw naman ng hassle sa pagkuha ng lisensiya, ang sinumang aplikante ay maaaring makipag-appointment sa online sa pamamagitan ng LTO Online Appointment and Scheduling System  sa pamamagitan ng pag-log on sa www.lto.net.ph.

DRIVER’S LICENSE

EDGAR GALVANTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with