Permanenteng MMDA chairman isinulong
MANILA, Philippines — Inirerekomenda ni Quezon City Rep. Winston Castelo na gawing permanente ang term of office ng chairman ng Metro Manila Development Authority (MMDA) para maiwasan ang political pressures.
Paliwanag ni Castelo, ang MMDA ay hindi na coordinating body ng 17 siyudad at bayan na orihinal na ginawa at plinano ng may akda ng batas na nagbuo nito kaya naging super body na ito.
Idinagdag pa ni Castelo na ang functions nito ay mahalaga dahil sangkot dito ang management ng traffic operations, flood control at garbage collection. Hindi pa nabanggit dito ang 16 cities at single town na nakapaloob sa Metro Manila.
Base umano sa diskusyon nila sa komite, kailangan ng MMDA ng full time executive na may definite term of office tulad ng sa Monetary Board, Government Service Insurance System at iba pang government owned and controlled corporations.
Sa kabila nito, hindi naman nabanggit ni Castelo kung gaano katagal ang term of office para sa MMDA chairman na dapat muna umanong idaan sa public hearing.
Ang mahalaga umano ay dapat makapag-concentrate ang MMDA chairman sa kanyang trabaho ng walang political pressures.
- Latest