^

Bansa

De Lima pinayagan sa tatlong oras na kalayaan

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
De Lima pinayagan sa tatlong oras na kalayaan
Sinabi ito kahapon ni Atty. Filibon Tacardon, isa sa mga abo­gado ni De Lima, na nagsabing pumayag sa hiling na furlough ng kanyang kliyente ang Quezon City Regional Trial Court at dalawang Muntinlupa RTC na may hawak ng mga kaso laban sa senador.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pumayag ang  tatlong korte na makalabas pansamantala ng kulungan ng tatlong oras si Senator Leila De Lima bukas (Linggo, Hunyo 16) ng tanghali.

Sinabi ito  kahapon ni Atty. Filibon Tacardon, isa sa mga abo­gado ni De Lima, na nagsabing pumayag sa hiling na furlough ng kanyang kliyente ang Quezon City Regional Trial Court at dalawang Muntinlupa RTC na may hawak ng mga kaso laban sa senador.

Hiningi ni De Lima na makalabas ng kulu­ngan para makadalo siya sa thanksgiving dinner ng kanyang anak na nakapasa sa nakalipas na bar examinations.

Mula alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-3:00 ng hapon ang ibinigay na furlough kay Senador De Lima at labis ang pasasalamat nito.

Ayon kay Tacardon, ang pasasalamat ng mambabatas ay mayroong siyang pagkakataon na muling makasama ang anak

Sinabi pa ng abogado ni De Lima, gagana­pin sa Club Filipino ang pribadong pagtitipon bilang pasasalamat sa pagkakapasa ng anak sa Bar exam.

Magiging private ang pagtitipon ng pamilya sa kanilang pagkikita ng anak ng senadora.

LEILA DE LIMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with