^

Bansa

IMEG minobilisa vs tiwaling pulis

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
IMEG minobilisa vs tiwaling pulis
Ito’y kasunod ng pagmobilisa kahapon sa Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) na ipinalit sa binuwag na PNP-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) .

MANILA, Philippines — Pinalawak at pinalakas pa ng Philippine National Police ang opensiba laban sa mga tiwali nitong opisyal at tauhan  kaugnay ng puspusang internal cleansing upang walisin ang mga tinaguriang bad eggs sa hanay ng kapulisan sa bansa.

 Ito’y kasunod ng pagmobilisa kahapon sa Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) na ipinalit sa binuwag  na PNP-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) .

 Ang okasyon ay dinaluhan ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año  bilang tagapagsalita at panauhing pandangal.

 “First of all, we upgraded the  CITF into a group, meaning to say more resources, more people and more authority. Because we are still cleansing the ranks of the policemen and hindi lang naman sa cleansing yan, connected din sa syndicated crimes. Also with the program of the President to fight drugs and syndicated crimes, the  IMEG will play a crucial part in the campaign”, pahayag ni Año sa press briefing sa mediamen.

 “Binuo ang grupong ito para magsagawa ng intelligence build-up at law enforcement operations laban sa mga pulis na sangkot sa mga illegal activities tulad ng drug trafficking, human trafficking, financial crimes, cybercrime, malversation, graft and corrupt practices, security violations, at iba pa,” paliwanag ni Philippine National Police Chief Police General Oscar Albayalde.

 Sinabi ni Albayalde na ang PNP-IMEG ay ikinokonsiderang National Operating Support Unit kung saan ang Commander nito ay mapro-promote naman bilang Brigadier General.

Sa kasalukuyan, ang Commander ng binuwag na PNP-CITF  na si Police Colonel Romeo Caramat Jr.  ay siya ring magsisilbing lider ng 306 uniformed personnels,  55 Police Commissioned Officers at 251 Police Non-Commissioned Officers .

 Si Caramat ay miyembro ng Tanglaw-Diwa Class  1992 at kasalukuyang Officer–in-Charge ng PNP IMEG kasama si Police Lieutenant Colonel Ariel Red bilang Deputy Group Commander for Administration.

 Bukod dito ay kasama rin sa operasyon ang 72 man Company ng PNP Special Action Force na nagbibigay ng tactical support  sa bagong tatag na unit upang labanan  at lipulin ang mga tiwali sa PNP.

INTEGRITY MONITORING AND ENFORCEMENT GROUP

PHILIPPINE NATIONAL POLICE A

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with