^

Bansa

Fisherfolk group umapela ng dagdag na proteksyon vs. Chinese 'harassment'

James Relativo - Philstar.com
Fisherfolk group umapela ng dagdag na proteksyon vs. Chinese 'harassment'
Idinirehe ng Pamalakaya sa Navy at Philippine Coast Guard ang hamon matapos mapalubog ng mga Tsino ang F/B GIMVER 1 na may lulang 22 Pilipino.
Release/Pamalakaya

MANILA, Philippines — Matapos ang pamamanggang nangyari sa pagitan Filipino at Chinese vessels sa Recto Bank nitong Linggo, humiling ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas na magpakitang gilas ang Hukbong Dagat ng Pilipinas at Philippine Coast Guard sa pagtatanggol ng mga mangingisda.

Idinirehe ng Pamalakaya sa Navy at PCG ang hamon matapos mapalubog ng mga Tsino ang F/B GIMVER 1 na may lulang 22 Pilipino.

"Our Navy’s presence is supposed to safeguard our marine territory, its resources, and most of all, our fishermen who are making a living out of our fishing waters," sabi ni Fernando Hicap, pambansang tagapangulo ng Pamalakaya.

(Trabaho ng Navy na pangalagaan ang ating mga katubigan, lalong lalo na ang ating mga mangingisda na nakaasa sa dagat para mabuhay.)

Gayunpaman, laking pagtataka nina Hicap kung bakit wala raw magawa ang hukbo at coast guard sa "bullying" na ginagawa sa mga karagatan.

Matindi pa rin ang tensyon sa West Philippine Sea bagama't 2016 pa napagdesisyunan na sakop ng Pilipinas at 'di ng Tsina ang lugar matapos balewalain ang nine-dash line claim.

"What they are doing is merely relaying the situation on the ground to the national level instead of exercising their mandate to serve and protect our sovereignty and the Filipino people," dagdag ng grupo.

(Ang tanging ginagawa nila ay ipaabot ang sitwasyon sa pambansang antas kaysa tuparin ang trabaho nilang protektahan ang mga Pilipino't soberanya nito.)

Sinuportahan naman ng grupong Anakpawis ang panawagan ng mga mangingisda.

"If the armed forces tolerate this breach, they might as well dismantle themselves for being always MIA on their mission to protect Filipino fisherfolk, our national symbol, sabi ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao sa hiwalay na pahayag.

(Kung hahayaan lang ng sandatahang lakas ang panghihimasok na ito, siguro mas okey pa na buwagin na lang nila ang kanilang sarili dahil lagi naman silang "missing in action" para protektahan ang mga mangingisda.)

Una nang sinabi ni Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na naghain na ng diplomatic protest ang Pilipinas patungkol sa isyu kahapon.

Kanina, nanawagan naman si Sen. Risa Hontiveros na pauwiin na ng Pilipinas ang ambassador at mga consult ng bansa sa Tsina bilang pagpapakita ng pagtutol sa aksyon.

Kilala bilang malapit si Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping, na nangako ng mga pautang sa mga "Build, Build, Build" projects ng Pilipinas.

Diplomatic ties sa Tsina 'handang putulin'

Samantala, tinitignan naman daw ng Malacañang ang posibilidad ng pagpuputol ng relasyong diplomatiko sa Tsina kung mapatunayang sinadyang palubigin ang bangka ng mga Pilipino.

Sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo sa isang press briefing, ituturing nilang "act of aggression" ito kung ganoon ang kalalabasan ng imbestigasyon.

"Ano pang next step? Oh eh 'di, we will cut off diplomatic relations. 'Yan ang unang ginagawa ng mga, 'pag merong aggressive acts," sabi ng tagapagsalita kanina.

"First magdi-diplomatic protest ka. 'Pag 'di ka kuntento sa paliwanag nila, at nakita natin na talagang sinadya, ah, ibang usapan 'yon."

Gayunpaman, gusto raw muna alamin ng gobyerno kung ano ba talaga ang barkong iyon.

Ibabatay pa rin daw ng Palasyo ang kanilang aksyon sa grabedad ng pangyayari.

"Our responses will always be callibrated, depende sa degree. But definitely, we will not allow ourselves to be assaulted, to be bullied, to be the subject of such barbaric, uncivilized and outrageous actions from any source," paliwanag ni Panelo.

(Tatanyahin natin ang ating tugon, depende kung gaano ka-grabe. Pero ang tiyak, hindi tayo papayag na magpabugbog, magpaapi at tumanggap ng mga barbariko at 'di sibilisadong aksyon mula kahit kanino.)

CHINA

PAMALAKAYA

SALVADOR PANELO

TERRITORIAL DISPUTE

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with