‘Wag umasa sa ibang bansa - CJ Bersamin
MANILA, Philippines — Nanawagan si Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin sa mga Filipino na huwag masyadong umasa sa tulong ng ibang bansa sa pagresolba sa mga hamon at problema na kinakaharap ng Pilipinas.
“Huwag nating ugaliing umasa sa mga dayuhan sa paglutas ng ating mga hamon at mga pagsubok,” ayon kay Bersamin sa flag raising ceremony sa Bonifacio Monument sa Caloocan City bilang bahagi ng selebrasyon ng Araw ng Kalayaan kahapon.
Iginiit ni Bersamin na ang mga tumutulong na mga bansa ay palaging may pansariling interes na tinitignan.
Nanawagan din ito ng pagkakaisa sa mga Pilipino upang makamit ang tunay na pag-unlad.
“Manatili sanang buhay ang kabayanihan at tapang sa lahat ng henerasyon. Huwag nating waldasin ang pagkakataong umunlad dahil lang sa mga di pagkakaunawaan,” ayon pa kay Bersamin.
Samantala, hinikayat ni Pangulong Duterte ang lahat ng Pilipino na makiisa para tiyaking hindi masasayang ang sakripisyo ng mga ninuno natin at makamit ang pangarap nilang makapamuhay ang lahat ng Pilipino na malaya at masagana.
- Latest