PIA director sinisilip sa katiwalian

Ito ang naging tugon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa pagkuwestyon ni Clavite sa ginagawang imbestigasyon ng PCOO sa kanya kaugnay ng corruption allegations.

MANILA, Philippines — Nasa hurisdiksyon ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang pagsasagawa ng imbestigasyon kay PIA Director Harold Clavite kaugnay sa ulat na pagkakasangkot umano nito sa iregularidad.

Ito ang naging tugon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa pagkuwestyon ni Clavite sa ginagawang imbestigasyon ng PCOO sa kanya kaugnay ng corruption allegations.

Ayon kay Panelo, tama lamang at walang kakaiba sa inisyatibo ng PCOO para siyasatin si Clavite na pinuno ng PIA na nasa ilalim ng umbrella organization ng PCOO.

Binigyang-diin ni Pa­nelo na hangga’t hindi iniaakyat ang reklamo sa Ombudsman, walang masama kung kumilos ang PCOO para silipin ang sumbong ng katiwalian na ibinabato sa pinuno ng PIA tulad na lamang ng splitting of contracts, misused of funds for hotel accommodation at umano’y iregularidad sa produksiyon ng information materials.

Wala ring nakikitang dahilan si Panelo para gawin ng PCOO ang demolition job sa mga opisyal ng ahensiyang nasa ilalim nito taliwas sa pahayag ni Clavite na bahagi ng paninira sa kanya ang alegasyon mula sa anonymous letter.

Nakapaloob sa Department Order no. 6 na nilagdaan ni PCOO Sec. Martin Andanar ang pagsasagawa ng imbes­tigasyon kay Clavite ng PCOO Legal division sa ilalim ng pamumuno ni Usec. Marvin Gatpayat.

Show comments