^

Bansa

Bandila ng Pilipinas iwinagayway ng Google ngayong 'Independence Day'

James Relativo - Philstar.com
Bandila ng Pilipinas iwinagayway ng Google ngayong 'Independence Day'
Sa espesyal na lathalain ng Google Doodle, ipinaliwanag ang kahalagahan ng araw na ito noong 1898 na tanda ng paghiwalay ng Pilipinas sa 300 taong paghahari ng Madrid.
Google Doodle

MANILA, Philippines — Bandila ng Pilipinas ang bumati sa mga netizens ngayong araw sa isang popular na search engine bilang pakikiisa sa ika-121 Araw ng Kasarinlan.

Sa espesyal na lathalain ng Google Doodle, ipinaliwanag ang kahalagahan ng araw na ito noong 1898 na tanda ng paghiwalay ng Pilipinas sa 300 taong paghahari ng Madrid.

"Today’s Doodle salutes Philippines Independence Day, celebrated across the islands and in Filipino communities all over the world," sabi ng Google.

Ipinaliwanag din ng site kung paanong ipinangalan ang bansa sa dating hari ng Espanya na si King Philip II.

Tanda rin daw ang watawat sa Google ng makasaysayang pagwawagayway nito mula sa bahay ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite.

"The flag itself is a powerful symbol of the independence movement: blue representing truth and justice, red symbolizing patriotism, and white standing for equality. The stars at the flag’s corners represent Luzon, Visayas, and Mindanao, the three main regions of the Philippines. The eight rays surrounding the sun stand for the first eight provinces that battled against Spain.'

Bukod pa rito, taun-taon ding binabasa ang Declaration of Independence na unang binasa ni Ambrosio Rianzares Bautista.

Sari-saring parada, talumpati mula sa presidente, 21-gun salute at mga protesta mula sa mga militanteng grupo ang isinasagawa sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas bilang pagdiriwang.

Bilang panapos, nakuha pa ng Google na mag-Tagalog sa kanilang pagbati: "Maligayang Araw ng Kasarinlan!"

Noong 2018, bumungad naman sa mga Pilipino ang eksena ng isang karagatan bilang kanilang paggunita sa Independence Day.

Taong 2017 naman, na-feature naman sa parehong site ang obra ni Dan Matutina kung saan nagtitipon-tipon ang mga Pilipino sa watawat ng Pilipinas habang sumisikat mula sa karagatan ang araw.

GOOGLE

INDEPENDENCE DAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with