^

Bansa

May-ari ng dialysis center kinasuhan na ng NBI

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
May-ari ng dialysis center kinasuhan na ng NBI
Si Dr. Brian Sy (gitna), may-ari ng WellMed Dialysis Center habang inieskortan ng NBI agents matapos kasuhan sa DOJ kaugnay ng “ghost dialysis” claims sa PhilHealth.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Kinasuhan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang may-ari ng WellMed Dialysis Center na naningil umano ng ‘ghost claim’ sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Ang NBI na ang nag­sampa ng kaso para sa PhilHealth sa Department of Justice ng kasong estafa at falsification of documents laban kay Dr. Brian Sy, may-ari ng WellMed na nakabase sa Quezon City.

Ang mga kaso ay ba­tay sa alegasyon ng da­lawang dating empleyado ng WellMed na nagsampa umano si Sy ng benefit claim sa PhilHealth para sa namatay na mga pas­yente.

Kasama rin sa idinemanda ang ibang mga opisyal ng WellMed na sina  Dr. John Ray Gonzales, medical director; Claro Sy, chairman; Alvin Sy, corporate treasurer; Therese Francesca Tan, purchasing officer; Dick Ong, administration officer; at physicians Dr. Porshia Natividad at Joe­mie Soriano.

Kinasuhan din sina Edwin Roberto at Liezel Aileen De Leon, ang dalawang dating empleyado na nagbunyag sa umano’y ghost claims scheme.

Sinabi ng NBI na kumukuha pa ng bayad ang WellMed sa PhilHealth para sa dialysis treatments samantalang matagal ng patay ang pasyente.

Nakasaad din sa affidavit ng whistleblower na si  Roberto na mismong si Sy ang nag-utos noong Marso 30, 2016  na i-charge sa PhilHealth  ang treatment ng dalawang patay na pasyente na nagkakahalaga ng P2,600. 

Sinabi ni Roberto na, bago siya nagbitiw sa kanyang trabaho noong Marso 2018, ang PhilHealth ay nagbayad sa WellMed ng P600,600 para sa 200 session gamit ang claim ng mga namatay na pasyente. Meron ding mga  unpaid claims na halagang P208,000 para sa 80 sessions na nabayaran kinalaunan.

Binanggit ng NBI ang sinumpaang salaysay ng isang special investigator ng PhilHealth na si John Cueto na nagsabing patuloy na nagsasampa ang WellMed ng PhilHealth reimbursement forms para sa kanilang mga pasyente.

vuukle comment

PHILIPPINE HEALTH INSURANCE CORP.

WELLMED DIALYSIS CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with