MANILA, Philippines — Hiningi ni reelected Senator Cynthia Villar ang tulong ng isang grupo ng mga kababaihan sa Dasmariñas, Cavite upang gumawa ng mga bag na yari sa tarpaulin na ginamit sa kanyang kampanya noong nakaraang eleksyon.
Sinabi ni Villar, chair ng Committee on Environment and Natural Resources, na mabibiyayaan ng recycling project ang maliliit na tailoring business na magbibigay hanapbuhay sa mga kababaihan bilang mananahi.
Sinimulan ni Christine Joy Ferrer, 27, ang MXD Tailoring noong nakaraang dalawang buwan sa garahe ng kanyang nirerentahang apartment.
Sa loob ng limang taon, nagtrabaho siya sa tailoring shop ng kanyang kapatid hanggang sa ito’y magsara. Hiniram niya ang mga makina nito at nagsimula ng kanyang sariling negosyo.
“Tuwang tuwa po ako kasi nagsisimula pa lang ako tapos nagtiwala na po sa akin si Senator Villar na gumawa ng bags niya. Malaking tulong po ito sa akin at sa mga sewers ko,“ ayon kay Ferrer.
Inihatid ng mga tauhan ni Villar ang nakolektang 2 x 3 feet tarpaulin sa Ferrer’s shop upang gawing mga bag sa halagang P16 kada piraso.
Ang mga tapos ng produkto ay may dimension na 12 x 18 x 4 inches. Ito ay kulay puti. Ang printed side ng bag ang ginawang pangloob nito.
Mas matibay ang mga tarpaulin na bag na “environment-friendly.