^

Bansa

100 fishing vessels ng China umatras sa WPS?

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon
100 fishing vessels ng China umatras sa WPS?
Sinabi ni DND spokes­man Arsenio Andolong, na hindi pa nila makumpirma kung mayroon ngang 100 fishing vessels sa paligid ng Pagasa.
File

MANILA, Philippines — Bineberipika na ng Department of National Defense (DND) ang umano’y pag-atras ng 100 fishing vessels sa paligid ng Pagasa island sa West Philippine Sea.

Sinabi ni DND spokes­man Arsenio Andolong, na hindi pa nila makumpirma kung mayroon ngang 100 fishing vessels sa paligid ng Pagasa.

Paliwanag ni Ando­long, kung mayroon talagang naganap na withdrawal ay nagsalita na ang Armed Forces of the Philippines (AFP), suba­lit pagdating sa eksaktong bilang ay hindi sila sigurado rito.

Nagtataka naman ang opisyal sa naturang bilang kaya dapat umano itong kumpirmahin, suba­lit sa ngayon ay wala pa umanong ipinapadalang report sa kanila dahil nasa ilalim ito ng hurisdiksyon ng Western Mindanao Command o Westmincom.

Sakaling totoo naman umano ang pag-atras ng mga Chinese fishing vessels ay na­ngangahulugan lamang ito na may epekto na ang diplomatic track ng gobyerno sa China, dahil mismong si Pa­ngulong Duterte na ang nakiki­pag-usap kay Xi Jinping.

Giit pa ni Andolong mas mabuting makipag-usap na lamang sa halip na makipagbarilan.

“As I mentioned before in previous interview it is better that we engage in talking rather than shooting,” ayon pa kay Andolong.

FISHING VESSELS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with