^

Bansa

SCTEx toll fee tataas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
SCTEx toll fee tataas
Ayon sa North Luzon Expressway Corporation (NLEX), na siyang operator ng SCTEx, inaprubahan na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang hiling nitong karagdagang P0.51 per kilometer na toll hike at nakatakda nilang simulan ang koleksiyon nito simula alas-12:01 ng madaling araw ng Biyernes, Hunyo 14.

MANILA, Philippines — Nakatakda nang magpatupad ng toll fee increase ang Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx) simula sa susunod na linggo.

Ayon sa North Luzon Expressway Corporation (NLEX), na siyang operator ng SCTEx, inaprubahan na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang hiling nitong karagdagang P0.51 per kilometer na toll hike at nakatakda nilang simulan ang koleksiyon nito simula alas-12:01 ng madaling araw ng Biyernes, Hunyo 14.

Sa ilalim ng bagong toll rates, ang mga class 1 vehicles o mga ordinaryong kotse na may rutang mula Mabalacat City (Mabiga Interchange) sa Pampanga hanggang Tarlac ay kinakailangang magdagdag ng P20 sa dating binabayarang toll fee.

Nasa P40 naman ang dagdag sa bayarin ng mga class 2 vehicles, na kinabibilangan ng mga bus at mga small commercial trucks, at P60 naman na karagdagang bayarin pa sa mga Class 3 vehicles na kinabibilangan ng mga trailer trucks.

Samantala, kung ang ruta naman ay mula Mabalacat at Tipo at Subic, ang mga Class 1 vehicles ay kinakailangang magdagdag sa dating toll fee ng P32; P66 naman ang dagdag kung Class 2 vehicles at P98 kung Class 3 vehicles.

NORTH LUZON EXPRESSWAY CORPORATION

SUBIC-CLARK-TARLAC EXPRESSWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with