MANILA, Philippines — Huwag nang pumasok sa trabaho at manatili na lamang sa bahay ang mga may sore eyes upang hindi na makahawa pa.
Ito ang payo ni Health undersecretary Eric Domingo ngayong uso na naman ang sore eyes tuwing mainit ang panahon.
Kalimitan naman aniyang gumagaling ng kusa ang sore eyes sa loob ng apat hanggang pitong araw.
Aniya, hindi naiiwasang naipapasa ang virus dahil sa pagkikipagkamay na ihahawak naman sa mata.
Wala din namang katotohanan na nakukuha ito sa tingin. Kailangan lang ng tamang paghuhugas ng kamay.
Mahalaga din ang kalinisan sa kapaligiran lalo na’t karamihan sa mga Pilipino ay gumagamit ng computer at ballpen na nagkakaroon ng virus.
Gayunman mas mahalaga pa rin na magpahinga na lang sa bahay kung may sore eyes at lumayo na muna sa ibang tao.