MANILA, Philippines — Bumaba ng 55% ang mga insidente ng Election Related Incidents (ERIs) o mga karahasang may bahid ng pulitika kaugnay ng ginanap na midterm elections sa bansa.
Ayon kay PNP spokesman Police Col. Bernard Banac, simula Enero 13 sa pagsisimula ng election period hanggang Hunyo 6, 2019 ay nakapagtala ng 60 insidente ng ERIs ang kapulisan.
Ang gun ban ay tatagal ng hanggang Hunyo 12 ng taong ito o matapos namang maiproklama na ang mga nagwaging kandidato.
Sa ginanap na midterm election ngayong 2019, nasa 85 ang biktima sa preelection; 16 katao sa mismong araw ng halalan at 12 naman sa post election o kabuuang 113 biktima na nasugatan at nasawi sa karahasang may kinalaman sa pulitika.
Sa nasabing bilang, 23 ang nasawi, 46 ang nasugatan at 44 ang nakaligtas.