Bloc voting paiiralin sa pagpili ng Speaker
MANILA, Philippines — Sa susunod na linggo ay maglalabas na ang dalawang malaking grupo ng mga kongresista ng kanilang susuportahan na Speaker para sa 18th Congress.
Ayon kay Negros Occidental Rep. Albee Benitez, lider ng Visayan bloc sa Kamara, magsasagawa sila ng bloc voting kung saan magiging batayan umano sa kanilang pagpili ng susunod na Speaker ang kakayahan na pagkaisahin ang Kamara at makakatrabaho ng maayos ng Ehekutibo.
Inaasahan na mula sa 41 ay tataas pa sa 47 ang bilang ng mga miyembro ng Visayan Bloc sa 18th Congress.
Ayon naman kay 1-Pacman Rep. Michael Romero, maglalabas na rin ng pangalan ang Partylist coalition kung sino ang kanilang susuportahan sa pagka Speaker. Si Romero ang presidente ng Partylist coalition na may 54 miyembro.
Giit ng kongresista, paiiralin din nila sa koalisyon ang block voting at ikokonsidera nila sa pagpili sa magiging susunod na speaker ay kung sino ang mag-aalok sa kanila sa mga makakapangyarihang committees tulad ng rules, appropriations at waste and means.
- Latest