Substitution ni Cardema sa Duterte Youth aprub sa Comelec

“The substitution of Ronald Cardema as Duterte Youth nominee has been approved, with one Commissioner dissenting and one abstention,” ani Comelec spokesman James Jimenez.
Facebook Photo

MANILA, Philippines — Tinanggap na ng Commission on Elections (Comelec) ang petisyon ng Duterte Youth Party-list na ipalit  bilang Representative ng nasabing party­list si dating youth commissioner Ronald Cardema.

“The substitution of Ronald Cardema as Duterte Youth nominee has been approved, with one Commissioner dissenting and one abstention,” ani Comelec spokesman James Jimenez.

Sa ilalim ng Party-list System Act kinakailangan ang  nominee ng youth sector ay 30 years pataas. Si  Cardema ay 33.

Ang withdrawal documents na inihain ng limang nominees ng Duterte Youth ay alinsunod sa party-list laws.

Matatandaang naghain ng withdrawal ang 5 nominees kabilang ang misis ni Cardema na si Ducielle noong Mayo 12. Agad din namang naghain noon ng substitution si Cardema.

Show comments